Home METRO Magkapatid nalunod sa Cagayan River

Magkapatid nalunod sa Cagayan River

257
0

CAGAYAN, Philippines – Patay ang magkapatid matapos silang malunod sa bahagi ng Cagayan River sa bayan ng Alcala dito sa nasabing probinsya.

Ang biktimang magkapatid ay nasa edad na 57 at 63 pawang residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Herome Ibara ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, bago ang insidente pumunta ang isa sa dalawa sa bahagi ng ilog Cagayan para paliguan ang kalabaw.

Nang mapansin niya na lumalayo ang kalabaw ay agad niya itong pinuntatahan, subalit nalunod siya.

Nakita naman siya ng kanyang kapatid, subalit nang papunta sa kinaroroonan ng kapatid ay napatid siya sa nakapakat na fish net sa ilog na dahilan para siya din ay malunod.

Sinabi ni Ibara na agad na ipinaalam ng dating kagawad ng Barangay Damurog sa mga awtoridad nang makita niya ang dalawang nalunod.

Unang nakuha ang labi ng napatid sa fish net, hapon ng Sabado habang kinaumagahan naman nakuha ang isa pa.

Ayon kay Ibara, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa ilog dahil sa mga naranasang mga pag-ulan dala ng bagyong Crising. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here