Home METRO Lider ng BIFF na sangkot sa pamamaril sa simbahan timbog!

Lider ng BIFF na sangkot sa pamamaril sa simbahan timbog!

MAGUINDANAO DEL SUR – Arestado ang isang hinihinalang sub-commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Datu Piang.

Napag-alaman na ang suspek na kinilalang si alyas Bayawak ay nahaharap sa maraming kaso kung saan kabilang na rito ang pagsusunog ng sasakyan ng pulis at pamamaril sa loob ng simbahan sa Maguindanao del Sur noong 2020, ayon sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Kabilang din sa mga kinahaharap niyang kaso ay ang attempted murder, multiple murder, frustrated murder, paglabag sa Anti-Terrorism Act, at destructive arson dagdag pa ng CIDG.

Ang grupo ni Bayawak, na binubuo ng mahigit 100 miyembro ng BIFF, ay umano’y sumalakay sa isang komunidad sa Datu Piang noong Disyembre 2020.

“Nag-ugat ito sa isang insidente last December 2020, wherein a group of armed individuals, BIFF members, kasama na itong sub-commander nang-harass sa isang bayan sa Datu Piang under the Maguindanao del Sur,” ani Police Colonel Ariel Huesca.

“Sinunog nila yung patrol car, pinagbabaril nila yung simbahan and hinarass nila ang mga sibilyan…May binanggit sila na motibo…allegedly yung may nangyayari sa Poblacion Datu Piang na labag sa Islamic faith,” dagdag pa niya. RNT