NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Iniimbestigahan ng pulisya ang umano’y stray bullet matapos makakita ng deformed slug si Marie Christine Luceño sa kanyang bahay sa Barangay Robles, La Castellana, Negros Occidental noong Bagong Taon.
Ani Lt. Col. Joem Malong ng PRO–Negros Island, nakita ang butas sa bubong at sira sa floor tile.
Nakuha ang bala na limang metro ang layo mula sa pinangyarihan at isasailalim sa ballistic examination para matukoy ang pinagmulan.
Maaari ring magsampa ng kaso kung matukoy ang may-ari ng baril o responsable sa insidente.
Pinayuhan ang publiko na agad i-report ang anumang pamamaril o kahina-hinalang aktibidad para sa kaligtasan ng komunidad. RNT/MND