CAVITE, Philippines – Sugatan ang isang negosyante matapos barilin ng kaanak nito dahil sa awayan umano sa lupa sa Silang Cavite kamakalawa ng gabi.
Ayon sa report, unang isinugod sa Saint Mazenod Hospital saka inilipat sa Gen Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas Roy, isang negosyante ng Brgy Ipil 2 ng nasabing lugar dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.
Kinilala naman ang suspek na si alyas Aljon, 33 kapitbhay ng biktima.
Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi habang naninigarilyo ang biktima sa harapan ng isang sari-sari store sa lugar nilapitan siya ng suspek at dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa umano’y mana ng lupa sa kanilang pamilya hanggang sa nagbunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital.
Sa imbestigasyon ng pulisya, awayan umano sa mana ng lupa ang motibo sa pamamaril. MARGIE BAUTISTA