Home NATIONWIDE Lingig, Surigao Sur niyanig ng M-4.9 lindolNATIONWIDETOP STORIES Lingig, Surigao Sur niyanig ng M-4.9 lindolAugust 20, 2024 07:00 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Yumanig ang magnitude 4.9 na lindolĀ sa baybayin ng Lingig sa Surigao del Sur ngayong Martes ng umaga, iniulat ng PHIVOLCS.Nauna nang iniulat ng PHIVOLCS na isang 5.2 magnitude na lindol ang tumama sa lugar.Ang lindol, na tectonic ang pinagmulan, ay naganap alas-3:42 ng madaling araw na may lalim na isang kilometro.Naitala ang Intensity II sa Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.Iniulat din ng ahensya na ang lindol ay isang “aftershock ng 2024 August 03 Mw6.8 Offshore Surigao del Sur earthquake event.”Walang inaasahang pinsala at walang aftershocks kasunod ng lindol. RNT