Home NATIONWIDE Extreme N. Luzon uulanin sa habagat

Extreme N. Luzon uulanin sa habagat

MANILA, Philippines – Ang Southwest Monsoon o Habagat ay magdadala ng maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan sa bahagi ng extreme Northern Luzon sa Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon na may flash flood o landslides na magaganap dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorm na may flash flood o landslides na nagaganap sa panahon ng matinding pagkulog.

Patuloy na binabantayan ng weather bureau ang isang Low Pressure Area (LPA) na huling tinatayang nasa layong 1,030 kilometro silangan hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon.

Walang epekto ang LPA sa bansa sa ngayon, at mababa ang tsansa nitong maging tropical depression, ayon sa PAGASA.

Sumikat ang araw bandang 5:43 a.m., at lulubog ito ng 6:16 p.m. RNT