Home NATIONWIDE SC may ruling, mister pwedeng makulong sa marital rape – dean

SC may ruling, mister pwedeng makulong sa marital rape – dean

163
0

MANILA, Philippines – Kaso at kulong ang kakaharapin ng lalaking asawa kung ipipilit nito na makipagtalik sa asawa kahit ayaw.

Sinabi ni Atty Ma. Soledad Mawis, dean ng Lyceum of the Philippines University College of Law, kung ipupuwersa ng asawang lalaki ang sarili nito sa misis ay maaari itong makasuhan ng marital rape at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Iginiit ni Mawis na sa ilalim ng batas, hindi maaaring pwersahin ang asawang babae kung ayaw nitong makipagtalik.

Ang babae ay hindi aniya pag-aari ng lalaki at may karapatan ang babae na magsabi ng hindi.

Binigyan-diin nito ang naging ruling ng Supreme Court sa usapin ng marital rape sa kaso ng People of the Philippines vs Edgar Jumawan kung saan idineklarang guilty ang asawang lalaki dahil sa panggagahasa sa asawang babae ng dalawang beses.

Naging mainit na usapin ang marital rape matapos tanungin ni Senador Robin Padilla sa Senate hearing ang kilalang family lawyer na si Atty Lorna Kapunan kung maaaring ipilit ng asawang lalaki ang kanyang sarili kahit wala sa mood ang misis.

Sinabi ni Kapunan na hindi obligasyon ng misis na mapawi ang sekswal na naisin ng mister.

Sinang-ayunan ni Mawis ang pahayag ni Kapunan at iginiit na bilang isang tao ay may karapatan ang misis na tumanggi sa sex.

Humingi naman ng paumanhin si Padilla sa mga nasaktan nito dahil aa kanyang mga naging pahayag. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here