Home NATIONWIDE Pinoy repatriates mula Lebanon makatatanggap ng P150K ayuda – DMW

Pinoy repatriates mula Lebanon makatatanggap ng P150K ayuda – DMW

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac nitong Lunes na magbibigay ang gobyerno ng P150,000 financial assistance sa mga Filipino na pinauwi mula Lebanon sa gitna ng tensyon doon.

Sinabi ni Cacdac na ang pagtaas ng tulong pinansyal ay “na-apply mga isang linggo na ang nakakaraan.”

Maging ang mga undocumented na Filipino na uuwi ay bibigyan ng monetary aid, ayon kay Cacdac.

Bukod sa tulong pinansyal, magbibigay din ang gobyerno ng psychosocial at livelihood assistance para sa mga repatriated Filipinos.

Ayon kay Cacdac, handa ang Pilipinas sakaling lumala ang sitwasyon sa lugar.

Aniya, isang libong Pilipino ang nagpahayag ng balak na makabalik sa bansa. Hindi bababa sa 45 na Pilipino ang maaaring umuwi ngayong linggo.

”Right now, they are undergoing through Lebanese immigration procedures,” dagdag pa ng opisyal.

Noong nakaraang linggo, naglabas ng advisory ang Philippine Embassy sa Lebanon sa mga Filipino citizen na umalis kaagad sa Lebanon habang bukas pa ang airport sa gitna ng tensyon.

Ang mga tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel na nakabase sa Lebanon ay tumaas nitong mga nakaraang linggo.

Ang grupong Hezbollah na suportado ng Iran ay naglunsad ng drone attacks noong nakaraang buwan sa Golan Heights na inookupahan ng Israel. Jocelyn Tabangcura-Domenden