Home OPINION ‘LINGKOD PAG-IBIG ON WHEELS’ MAGHAHATID NG DIREKTANG SERBISYO SA MAMAMAYAN

‘LINGKOD PAG-IBIG ON WHEELS’ MAGHAHATID NG DIREKTANG SERBISYO SA MAMAMAYAN

NAKIBAHAGI ang chief executive officer ng Pag-IBIG Fund na si Marilene C. Acosta kasabay pa ang iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsuporta sa programa sa isinagawang “Lab for All Program” ni First Lady Louise “Liza” Araneta Marcos sa Mandaluyong College, Mandaluyong City kamakailan, sa pagsisikap na maihatid ang mga serbisyong panlipunan at medikal na mas accessible sa mga komunidad sa buong bansa

Dinala ng Pag-IBIG Fund ang LPOW o “Lingkod Pag-IBIG on Wheels” nito para makatugon sa mga nagnanais na maging miyembro o may mga katanungan hinggil sa cash loans, housing loan applications, issuance ng Pag-IBIG Loyalty Plus cards, at iba pang katanungan ng mga miyembro o ng publiko.

Ayon kay Ms. Acosta, lumahok ang ahensya sa programa ng unang ginang dahil nais nitong makapaghatid ng direktang serbisyo sa mga mamamayan at mailapit ang Pag-IBIG sa publiko.

“As Lingkod Pag-IBIG, we are committed to ensuring that our members are able to utilize our programs and services, whenever it is needed, wherever they may be. Our LPOW is prepared to be mobilized nationwide and participate in future Lab for All deployments.”

Nakahanda ang Pag-IBIG Fund na dalhin ang LPOW services sa mga bayan, lungsod at mga lalawigang dadayuhin ng “Lab for All Program” ni FL Araneta Marcos.

Nakikiisa rin ang Pag-IBIG Fund sa obserbasyon at selebras­yon ng “Pride Month” ng mga bumubuo sa LGBTQIA plus community ngayong buwan ng June.

Muling binigyang-diin ni CEO Acosta na hindi pinapayagan ng Pag-IBIG Fund ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa LGBTQIA Plus community.

Ayon sa kanya, “Our Lingkod Pag-IBIG mantra –Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso, does not discriminate against anyone. Kami ang pag-ibig na walang pinipiling paglingkuran, na ang mga serbisyo at programa ay para sa bawat isang manggagawang Filipino anoman ang kasarian at antas ng pamumuhay. Nais naming makapagbigay ng isang Pag-IBIG na ramdam ng lahat.”