Home NATIONWIDE Lisensya ni vlogger na sangkot sa road rage sa Zambales, suspendido na!

Lisensya ni vlogger na sangkot sa road rage sa Zambales, suspendido na!

MANILA, Philippines – Suspendido na ng 90 na araw ang drivers license ng isang abusadong vlogger habang sinisikap ng Department of Transportation (DOTr) na sugpuin ang tahasang pagsuway sa mga patakaran ng trapiko na nai-post sa online.

Sa isang press briefing, sinabi ni Tansportation Secretary Vince Dizon na sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang drivers license ng social media personality na si Yanna, habang ang dalawang iba pang indibidwal ay pinadalhan ng show cause order.

Sinabi ni Dizon na marami silang natatanggap na report sa abusadong motorcycle drivers.

Babala ng opisyal, sinuspinde na ang lisensya ni Yanna at sususpindihin din ang lisensya ng tatlo iba pa.

Sinabi ni Dizon na awtomatikong sususpendihin ang drivers license ng mga indibidwal na mahuhuli sa social media na hindi sumusunod at inaabuso ang traffic rules.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni LTO chief at Assistant Secretary Vigor Mendoza II na ang tinutukoy ni Dizon ay si Robert Uson na may hawak ng Smoke Machine vlog sa Facebook at Youtube.

Sa uploaded video kung saan nasa loob siya ng Toyota Innova na nakikipagkarerahan sa kahabaan ng kalsada ng Cauayan, Isabela ay hinahamon ang Toyota Land Cruiser Prado.

Samantala, pinagpapaliwanag ng LTO si Yanna kung bakit hindi dapat suspendihin ang kanyang drivers license o i-revoke matapos siyang makipagtalo sa isang road rage incident sa Zambales.

Sa mga kumalat na video na siya mismo ang nag-upload, makikitang nagtaas ito ng gitnang daliri sa driver ng isang pick up.

Umapela si Dizon sa media at publiko na i-upload at ireport ang mga insidente ng mga drivers na nagpapakita ng mapang-abusong pag-uugali. Jocelyn Tabangcura-Domenden