Home ENTERTAINMENT Liza at dating manager, bati na!

Liza at dating manager, bati na!

285
0

Manila, Philippines – Mukhang magkakaayos na sina Ogie Diaz at ang dati niyang talent na si Liza Soberano, huh!

Sa latest episode kasi ng vlog ni Ogie na Showbiz Update, ikinwento niya na sumagot si Liza sa kanya nang batiin niya ito ng happy birthday sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

“Happy bday, Liza Soberano! Sana ma-achieve mo ang dream mo to make it big in Hollywood!

“Sana ay mapaligiran ka din ng mga tamang tao para mas mabilis mo siyang ma-achieve! Love you, Hopie!” mensahe ni Ogie.

At nito ngang nakaraan, ibinahagi ni Ogie na sumagot sa kanyang pagbati si Liza.

“Alam mo, nag-message siya sa akin. Sumagot. Sabi niya, ‘Thank you, Tito Ogie. I hope you and the family are doing well.’

“Thank you, Liza,” lahad ni Ogie.

Ito marahil ang palatandaan na kung anuman ang isyu sa pagitan ng dalawa noon ay ok na ngayong bagong taon.

“Ang tatanda na namin. Kumbaga, magtatanim ka ba ng sama ng loob? Once upon a time, naging anak mo ‘yan. Nabigyan ka rin naman ng magandang career because of Liza,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Lagi ko rin namang sinasabi if not for Liza, Diyos ko, ‘yong aking anak na si Miracle, sa’n ko huhugutin ‘yong mga panggastos sa ospital, ‘di ba?”

Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda noong Marso 2023 na may tampo siya kay Ogie. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here