Home HOME BANNER STORY 12 LEDAC bills, naipasa sa 22 session days – Sandro Marcos

12 LEDAC bills, naipasa sa 22 session days – Sandro Marcos

283
0

MANILA, Philippines – Iniulat ni House Majority Leader Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na 12 sa 48 prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang naaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa sa loob lamang ng 22 session days.

“Under the leadership of Speaker Bojie Dy, we wanted the first months of the 20th Congress to send a clear signal that the House is serious about delivering on the LEDAC. This signifies the hard work and unity of House members in passing these vital pieces of legislation,” pahayag ni Marcos noong Enero 11.

Nagsimula ang 20th Congress noong Hunyo 30, 2025.

Ayon kay Marcos, nakapagpasa na ang Kamara ng isang pambansang batas, ang ₱6.793-trilyong 2026 General Appropriations Act (GAA), bukod pa sa 52 resolusyon at 32 panukalang batas, kung saan 26 ay pambansa at anim ay lokal.

Sinabi ni Marcos na ipinapakita ng mga bilang na ito ang Kamara na “trying to match the pace of the challenges facing the country,” at ang mga prayoridad ng LEDAC ang nagsisilbing gulugod ng reporma ng Kamara.

Sa kabuuang 48 LEDAC measures 12 panukala ang naipasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa; 5 panukala ang aprubado na sa komite at hinihintay ang opinyon ng appropriations at ways and means; 15 panukala ang nasa antas ng technical working group at deliberasyon ng komite; at ang natitirang 17 panukala ay tatalakayin pa sa antas ng komite.

Kabilang sa 12 LEDAC bills na naipasa na ang mga panukalang may kinalaman sa reporma sa sektor ng enerhiya, waste-to-energy, serbisyong pangkalusugan para sa matatanda, tulong sa estudyante at guro, AICS Act, Blue Economy Act, Department of Water Resources, at pag-amyenda sa Bank Deposits Secrecy Law, bukod pa sa iba.

Dagdag ni Marcos, ang limang panukalang hinihintay pa ang pagsusuri sa pondo ay kinabibilangan ng modernisasyon ng Bureau of Immigration, National Land Use Act, Independent People’s Commission, Presidential Merit Scholarship Program, at amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

“These are big structural reforms, from land use to immigration to scholarships, and we want to make sure that when they reach the plenary, their funding and fiscal implications are fully worked out,” ani Marcos.

Ang LEDAC ay pinamumunuan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here