Home METRO Mister, nahulihan ng baril sa checkpoint sa Isabela

Mister, nahulihan ng baril sa checkpoint sa Isabela

227
0

ISABELA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang mister matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa anti-criminality checkpoint sa Pambansang Lansangan, Barangay Centro 2, Mallig, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na paigtingin ang anti-criminality checkpoint ay pinara ng mga mga kapulisan ng Mallig ang isang itim na Mitsubisi Estrada na kinalululanan ng suspek na itinago sa alias na “Bong,” 49-anyos, magsasaka at residente ng Butigue, Paracelis, Mountain Province.

Nagtangka pa umanong umiwas ang suspek matapos nitong mapansin ang checkpoint subalit agad itong napahinto ng mga awtoridad at inatasang iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Sa isinagawang plain view inspection ay napansin ng checkpoint personnel ang isang baril na Colt AR-15 Cal. 9mm na mayroong limang bala ng live ammunition ang magazine na nakapwesto sa gawing kanan ng driver at kaliwa ng pasahero na kinilalang anak ng nito.

Sa isinagawang beripekasyon ng pulisya ay bigong makapagpakita ng kaukulang dokumento ng baril ang naturang suspek na dahilan upang siya ay arestuhin

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here