Home NATIONWIDE LLDA nanawagan ng paglilikas sa mga nasa paligid ng Laguna de Bay

LLDA nanawagan ng paglilikas sa mga nasa paligid ng Laguna de Bay

367
0

MANILA, Philippines – Inalerto ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) nitong Sabado, Nobyembre 8 ang mga residente na naninirahan sa paligid ng Laguna de Bay na maghanda sa posibleng pagbaha sa pagdating ng Bagyong Uwan.

“We urge everyone to take immediate action to protect yourselves and your families. Suspend all fishing and other activities in the lake,” saad sa Facebook post ng LLDA.

Hinimok ng ahensya ang mga residente sa paligid ng lawa na maghanda ng emergency supplies katulad ng pagkain, tubig at gamot at suriin ang kanilang mga tirahan sa banta ng pagbaha.

Inabisuhan din ang publiko na maging pamilyar sa ruta patungo sa mga evacuation center at manatiling alerto sa emergency announcements.

“The lake has remained at its maximum capacity since the heavy rains in previous months and has not yet significantly receded,” ayon sa LLDA.

Sa inaasahang malalakas na ulan dala ng Bagyong Uwan, nagbabala ang ahensya na “water levels may rise by up to half a meter, especially if the storm’s path crosses the Calabarzon region, posing a serious flooding threat to surrounding communities.”

Ang Laguna de Bay ay may lawak na 900 square kilometers at sumasakop sa 29 bayan at 217 barangay at sumusuporta sa kabuhayan ng 16,000 mangingisda. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here