Home NATIONWIDE Empleyado ng BIR sa Zambo Sibugay itinumba

Empleyado ng BIR sa Zambo Sibugay itinumba

313
0

MANILA, Philippines — Isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Ipil, Zamboanga Sibugay ang binaril at napatay Biyernes ng gabi, ilang araw matapos mapatay ang dalawang security guard ng ahensya.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ian Jude Soriano Nario, 47, revenue officer ng BIR-Ipil, na kasama ng kanyang asawa nang pagbabarilin bandang alas-8:40 ng gabi sa labas ng isang kainan sa Purok Malipayon, Barangay Poblacion.

Ayon sa ulat ng pulisya, kagagaling lang ng mag-asawa sa hapunan at papunta sa kanilang sasakyan nang lapitan sila ng dalawang lalaking naka-bonnet at sakay ng red XRM 125 motorcycle.

Bumaba ang backrider, sinundan ang biktima, at binaril ito sa ulo. Nang bumagsak si Nario, muling pinaputukan sa mukha bago tumakas ang mga salarin.

Dead on the spot ang biktima. Narekober sa pinangyarihan ang anim na basyo, isang slug, at dalawang bala ng caliber .45 na baril.

Ayon kay Lt. Gina Magnaye, tagapagsalita ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, naaresto si Nario noong Huwebes matapos makuhanan ng hindi lisensyadong semi-automatic rifle sa loob ng kanyang sasakyan.

Nakawala siya alas-7 ng gabi kinabukasan matapos magpiyansa.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaril at kung may kaugnayan ito sa pagpatay sa dalawang security guard ng BIR kamakailan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here