Home NATIONWIDE Early evacuation sa Bagyong Uwan gawing prayoridad – Teodoro

Early evacuation sa Bagyong Uwan gawing prayoridad – Teodoro

307
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chair Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. nitong Sabado, Nobyembre 8 ang lokal na pamahalaan na magsagawa ng preemptive evacuations at gumawa ng proactive measures sa banta ng Bagyong Uwan na inaasahang magdadala ng malalakas na ulan, hangin at pagbaha sa malaking bahagi ng bansa.

Sa national broadcast, nanawagan si Teodoro sa mga gobernador, mayor, at barangay officials na makipag-ugnayan sa municipal disaster risk reduction officers at Department of the Interior and Local Government (DILG).

“We should prioritize evacuation now rather than rescue later,” sinabi ni Teodoro sa isang video message na inilabas sa Facebook page ng Office of Civil Defense.

Iginiit ang pangangailangan sa maagap na aksyon, partikular sa mga matatanda, bata at iba pang vulnerable groups.

Hinimom niya ang mga residente na iwasan ang hindi kailangang mga pagbiyahe at panatilihing walang bara ang mga kalsada at pantalan para sa mas mabilis na galaw ng emergency vehicles at relief convoys.

“Streets and piers need to be kept free so they can be used as a priority to deliver what our fellow countrymen need to survive,” ani Teodoro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here