Sa gitna ng nararanasang hirap dulot ng krisis sa langis, isinusulong ni Senator Mark Villar na gawing institusyonal ang pagbibigay ng “financial breathing room” para sa mga manggagawang Pilipino at maliliit na negosyo. Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 366 at ng panukalang “RELIEF Act” (Senate Bill No. 2032), nananawagan ang senador sa mga financial institutions ng gobyerno na magpatupad ng loan moratorium, grace period, at condonation ng mga penalty.
Binigyang-diin ni Sen. Villar ang naging pag-unlad ng Government Service Insurance System (GSIS) sa paglalatag ng kanilang relief initiatives, ngunit humiling ito ng mas malalim na pagsusuri sa sustainability ng programa.









