Home HOME BANNER STORY Lockdown sa tumataas na kaso ng influenza-like illness pinabulaanan ng DOH

Lockdown sa tumataas na kaso ng influenza-like illness pinabulaanan ng DOH

305
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Department of Health nitong Biyernes, Oktubre 17 ang ulat na mayroong lockdown sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI).

Ayon kay Health secretary Ted Herbosa, walang planong lockdown at ang ulat ay isang fake news.

Ginawa ni Herbosa ang pahayag dahil sa mga social media post na ilang lugar sa Luzon ang isinailalim sa lockdown dahil na rin sa umano’y ILI outbreak.

Muling inulit ni Herbosa na walang ILI outbreak o epidemic sa National Capital Region (NCR) at ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ay inaasahan na bunsod ng flu season.

Umabot sa 133,000 ang bilang ng kaso ng ILI noogn Setyembre na mas mababa sa 155,000 kaso na iniulat sa kaparehong panahon noong 2024, ayon kay Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here