MANILA, Philippines – HINDI naniniwala si Manila’s special envoy to Beijing for special concerns Teddyboy Locsin na susuportahan ng ibang bansa ang Pilipinas sa oras na harapin nito ang China sa laban nito para sa territorial sovereignty na may kinalaman sa West Philippine Sea (WPS).
“‘Right-thinking’ nations won’t stand by us in a fight if China tried to make that map a reality in our neck of the waters; trust me on this,” ayon kay Locsin sa kanyang post sa X (dating Twitter), araw ng Biyernes.
Nauna rito, nanawagan kasi si Senador JV Ejercito sa mga “right-thinking nations at allies” na gumawa ng alyansa o kasunduan na nagbabasura sa kamakailan lamang na pagtatangka ng China na ipataw ang sinasabing territorial scope sa pamamagitan ng pagpapalabas ng 2023 standard map nito na nago-overlap sa exclusive economic zones (EEZs) at teritoryo ng ilang bansa kabilang na ang PIlipinas.
Naniniwala ang senador na “there’s strength in numbers.”
Matatandaang, may ilang bansa ang makailang ulit na nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa PIlipinas sa laban nito para sa West Philippine Sea.
Sa katunayan, ipinanawagan pa ng Estados Unidos ang Mutual Defense Treaty sa Pilipinas sakali’t magkaroon ng armed attack laban sa assets nito sa nasabing katubigan.
Ngunit naniniwala naman si Locsin, isa ring ambassador to the United Kingdom ng Pilipinas, na ang mga kaalyadong bansa ay “want to bleed China dry in our country as the battlefield farthest from themselves.”
Dahil dito, hinikayat ni Locsin ang mga mamamayang filipino na “do the bleeding on our own national behalf” because “we have no responsibility to cowards.”
“We’re good for a fight on our own behalf. And it is coming and we will be alone. But so what? We were alone in World War 2 until the curtain was coming down on our burning capital,” aniya pa rin.
“Why I voted for Ukraine. I saw our future there: lauded universally, sympathized [globally], but fighting alone. Look at Ukraine—within spitting distance of Russia; look at us,” dagdag na wika nito. Kris Jose