Home ENTERTAINMENT Loisa, kinuyog sa pagiging judgmental!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Loisa, kinuyog sa pagiging judgmental!May 24, 2024 14:14 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Paniniwala na natin na bawat opinyon ay katanggap-tanggap, nothing’s wrong with it dahil hindi naman statement of fact ito.Gayunpaman, mahirap pa rin sa karamihan sa atin na tanggapin ang opinyon ng ibang tao.Ito marahil ang gustong ipa-realize ni Loisa Andalio matapos siyang kuyugin ng mga netizens sa kanyang opinyon o pananaw on solo traveling.Speaking from experience, ani Loisa’y hindi raw niya naranasan pang bumiyahe mag-isa dahil lagi niyang kasama ang nobyong si Ronnie Alonte.Malinaw na ang pinanggagalingan ni Loisa ay ang kanyang personal na karanasan, labas ang ibang tao.Aniya: “Grabe siguro ‘yung pinagdadaanan ng mga nagta-travel nang solo…parang ang lungkot!”Ang simpleng personal o first-person na opinyong ‘yon ang gumising sa mga netizens who began ganging up on her on social media.Ayon sa isa: “Huwag kang judgmental, Loisa! Hindi lahat ng mga solo travelers ay may pinagdadaanan!”Sinegundahan pa ito ng isang netizen na nagsabing Loisa should not mistake being alone or solo for loneliness.Choice daw ng tao kung nais niyang bumiyahe mag-isa o may kasama.The same goes for celebrities like Loisa.May ilang artista rin who prefer to travel alone, leaving behind their family or friends sa anumang dahilan.In much the same way that people prefer to travel in groups para masaya ang paglalakbay.Nadale lang si Loisa sa linya niyang may pinagdadaanan ang mga solo travelers. Ronnie Carrasco III