Home HOME BANNER STORY Malakanyang kay ex-MinDA chief Acosta: Mag-alsabalutan na!

Malakanyang kay ex-MinDA chief Acosta: Mag-alsabalutan na!

MANILA, Philippines – SINABIHAN na ni Executive Secretary Lucas Bersamin si Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Maria Belen Acosta na bumaba na sa puwesto dahil epektibong uupo na dapat si Secretary Leo Tereso Magno bilang bagong MinDA chairperson noong May 21.

Sa pamamagitan ng isang liham, sinabihan ni Bersamin si Acosta na ang kanyang “term of office was terminated for cause due to the loss of trust and confidence in you on the part of the appointing power.”

Bago pa ang nasabing liham ni Bersamin, iginiit ni Acosta na manatili sa kanyang posisyon.

“The post of Secretary and Chairperson of the Mindanao Development Authority (MinDA) is not officially vacant. Hence, a replacement is not warranted,” ang depensa ni Acosta sa kanyang opisyal na kalatas na ipinalabas noong May 20.

Matatandaang, noong May 13,2024 ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Magno bilang bagong MinDA chair nanumpa naman si Magno sa kanyang tungkulin sa harap ni Bersamin noong May 21.

Ipinagpilitan ni Acosta na wala namang ‘vancancy’ sa MinDA chairmanship lalo pa’t hindi naman siya inalis o nahaharap sa anumang administrative o criminal charges.

Gayunman, para kay Bersamin ang argumento ni Acosta ay “utterly untenable for being contrary to existing laws and relevant jurisprudence.”

“Given the nature of the position of Chairman of the Mindanao Development Authority as primarily confidential and policy determining, the President as the appointing power validly and effectively removed you for cause due to loss of his trust and confidence in you,” ang sinabi ni Bersamin kay Acosta.

Nakasaad sa Republic Act No. 9996, o Mindanao Development Authority Act of 2010 na ang Chairperson “shall serve a term of six years from the date of his/her appointment, unless removed for cause”.

Sa ulat binisita ni Magno, araw ng Huwebes ang MinDA office sa Davao City para isumite ang kanyang mga credentials.

“We submitted everything and go through the right process. It is the right of Sec. Acosta to seek legal remedies, as she stated, it’s nothing personal. It is also her right to question my appointment,” ang sinabi ni Magno sa isang panayam.

Tinuran ni Magno na responsibilidad niya na sundin ang kautusan ng Pangulo at ‘oath of office.’

“We have a lot to focus on – projects and if this will be pushed through. I believe that the President will add more major projects in Mindanao. Right now, our President is in Mindanao and provided assistance to the local government units,” dagdag na wika nito. Kris Jose