Home METRO Lokal na mamamahayag, isa sa nasawi sa bakbakan sa NegOc

Lokal na mamamahayag, isa sa nasawi sa bakbakan sa NegOc

111
0

MANILA, Philippines – Isang lokal na mamamahayag mula sa Altermidya Network ang kabilang sa mga nasawi sa engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga hinihinalang New People’s Army (NPA) sa Toboso, Negros Occidental, ayon sa ulat ng militar.

Kinilala ng media network ang nasawi na si RJ Nichole Ledesma, isang writer at editor ng Paghimutad-Negros at regional coordinator ng Altermidya sa Negros Island.

“RJ was a community journalist, editor, and poet. He served as editor-in-chief of Spectrum, the student publication of the University of St. La Salle–Bacolod, where he took a degree in Psychology,” pahayag ng Altermidya.

“Since 2020, he led Paghimutad-Negros, an alternative media outfit focused on human rights reporting and grassroots storytelling. He later joined Altermidya as regional coordinator for Negros Island,” dagdag nito.

Ayon sa Altermidya, nasa lugar si Ledesma para sa community work at immersion reporting hinggil sa epekto ng renewable energy projects sa mga magsasakang komunidad.

Batay sa Human Rights Advocates Negros (HRAN), hindi umano si Ledesma nasa unang lugar ng sagupaan sa Sitio Sinugmawan at sa halip ay inatake sa hiwalay na komunidad ng magsasaka sa Sitio Plariding sa kasagsagan ng pursuit operation ng militar.

Sinabi rin ng grupo na matagal nang nakararanas ng red-tagging at vilification ang Paghimutad-Negros, kabilang ang isang social media post noong 2022 na iniuugnay ito sa military unit.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Army sa mga kahilingan ng media.

Nauna nang iniulat ng Philippine Army na 19 umano’y miyembro ng NPA ang nasawi sa serye ng engkuwentro sa Barangay Salamanca.

Noong Miyerkules, sinabi rin ng UP Diliman University Student Council na kabilang sa mga nasawi sa naturang insidente ang student leader na si Alyssa Alano. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here