Home METRO Lola, 1 pang babaeng tulak laglag sa Bulacan buy-bust ops

Lola, 1 pang babaeng tulak laglag sa Bulacan buy-bust ops

227
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang babae na umanoy nahulihan ng nasa 150 grams ng shabu sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Balagtas nitong Hulyo 28.

Kinilala ang mga naarestong suspek na umanoy high-value target na sina alyas “Rosa”, 44 at alyas “Tere”, 65.

Sa report’, ikinasa ang operasyon ng PDEA Bulacan, Bulacan Provincial Intelligence Unit at Balagtas police station bandang 2:44 ng hapon ng Lunes sa Brgy. Borol 1st.

Ayon sa report, nasamsam sa suspek ang tatlong plastic sachets na may tinatayang 150 grams ng shabu at marked money na ginamit ng undercover agent.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng mga awtoridad. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here