Home METRO 2 arestado sa pagnanakaw ng kable na pag-aari ng Maynila

2 arestado sa pagnanakaw ng kable na pag-aari ng Maynila

245
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Manila Police district (MPD) ang dalawang indibidwal na responable sa pagnanakaw ng kable na pag-aari ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente madaling araw ng Lunes sa kahabaan ng Espana Boulevard kanto ng Antipolo Street sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasabing pangyayari ay agad na naipagbigay alam sa kinauukulan kaya agad na nagkasa ng follow up operation ang mga operatiba.

Nadiskubre mula sa mga suspek ang 80 metrong royal copper wire at 2/3 royal cord na tinatayang aabot sa halagang P47,840.

Matapos maaresto, iniharapn ang mga suspek sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Nauna nang nagbabala ang alkalde sa mga tolongges at mga kawatan na naghahasik sa Maynila na kriminalidad at maling gawain na sila ay hahabulin ng batas saan man dako ng bansa magtago. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here