Home HOME BANNER STORY Lola, pinagbintangang mangkukulam, sinilaban

Lola, pinagbintangang mangkukulam, sinilaban

249
0

BUKIDNON – Tigok ang isang 75-anyos na lola matapos hatawin ng kahoy at saka sinunog ng kapitbahay na suspek na dating drug surrenderee, matapos siyang pagbintangang mambabarang o mangkukulam, iniulat kahapon sa bayan ng Kibawe.

Sunog na ang katawan at wala nang buhay nang abutan ng mga rumespondeng pulis ang biktima, na hindi pinangalanan. Nadakip naman ang 37-anyos na suspek.

Ayon kay Major Jayvee Babaan, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office, naganap ang krimen noong Hulyo 26, 2025.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na hinampas ng suspek ang biktima gamit ang tuyong tangkay ng niyog sa ulo, dahilan para mawalan ito ng malay.

Dito na sinamantala ng suspek ang pagkakataon at sinilaban ang biktima gamit ang mga tuyong dahon ng tangkay ng niyog.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek at inamin ang krimen, iginiit nitong kinukulam umano siya ng biktima.

Nabatid na dumaranas ng depresyon ang suspek matapos itong hiwalayan ng kanyang asawa.

Sinabi ng pulisya na may dating record ang suspek ng paggamit ng ilegal na droga, at ngayon ay nahaharap siya sa kasong pagpatay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here