Manila, Philippines- Kung ang ibang may malubhang karamdaman ay ninanais pang madugtungan ang buhay ay kakaiba naman ang pakiramdam ni Lolit Solis.
Nag-emote na naman kasi ang tanyag na talent manager sa kanyang kolum (hindi rito sa Remate) tungkol sa kalagayan niya.
Dahil kasi sa kanyang kidney problem, for a number of years now ay sumasailalim siya sa hemodialysis dalawang beses sa isang linggo.
Each dialysis session takes four hours sa kaso niya.
Hindi na bago sa pandinig ang hanash ni Lolit na handa na niyang harapin ang kamatayan.
Aniya, sobra-sobra na nga raw ang mga biyayang natanggap niya sa loob ng 78 taon na inilalagi niya sa mundo.
Lolit says she has nothing but gratitude for all the wonderful things showbiz has blessed her with.
Pagod na rin daw kasi siya sa twice a week na dialysis.
Handa na raw siya kung ano’t anuman ang mangyari sa kanya.
In her previous column, nabanggit niyang naipamana na raw niya ang kanyang mga naipundar sa dalawa niyang anak.
Her two daughters are US-based.
Kung anuman daw ang natira sa kanya ay panggastos niya sa pang-araw-araw na pangangallangan.
Nabanggit din ni Lolit na nasa pag-iingat niya ang credit card ng alaga niyang si Senator Bong Revilla na may basbas nito para gamitin sa kanyang dialysis sessions.
Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa pananaw ni Lolit tungkol sa kanyang kahandaan sa gusto niyang mangyari. Ronnie Carrasco III