MANILA, Philippines- Hiniling ni Veronica “Kitty” Duterte sa Supreme Court (SC) na magtakda na ng oral arguments hinggil sa pinagsamang mga petisyon sa pagpapalaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Sa 14-pahinang petisyon, sinabi ni Kitty na ang pinagsama-sama na petitions for habeas corpus ay nagtataglay ng mahahalagang constitutional issues, legal questions, at isang usapin na mahalaga sa pampublikong interes.
Ang kalalabasan aniya ng kanilang mga petisyon ay maaaring makaimpluwensya sa tiwala ng publiko sa hudikatura at ang pananagutan ng matataas na opisyal ng pamahalaan.
“Oral arguments would provide a transparent platform for this Honorable Court to address the important legal and constitutional issues inherent in this case, and the broader implications thereof, ensuring that the legal reasoning behind its eventual ruling is fully articulated and understood by the public,” nakasaad sa petisyon.
Una nang hiniling nina Kitty, Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte na walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang ICC kaya walang saysay ang inisyu na arrest warrant laban sa kanilang ama.
Iginiit naman ng administrasyong Marcos na wala nang saysay ang petisyon ng mga Duterte dahil wala na sa kanila ang kustodiya ng dating Pangulo.
Binigyan-diin sa petisyuoni Kitty na sa oral arguments maidadaan ang katotohanan sa mga ipinapahayag ng gobyerno. Teresa Tavares