Tiniyak ni Camille Villar na bibigyang suporta niya ang sektor ng agrikultura, edukasyon, at maliliit na negosyo sakaling mahalal siya bilang senador sa darating na Mayo.
Ipinahayag ni Villar ang kanyang pangako sa naging pagbisita niya sa Tagoloan, Misamis Oriental nitong nakaraang linggo.
Bilang isa sa mga tumatakbo sa pagka-senador sa Mayo 2025 elections, lubos ang pasasalamat ni Villar sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga lokal na opisyal at alkalde na kanyang nakadaupang-palad sa isinagawang dayalogo.
Kabilang sa isinusulong ni Villar ang mas malawak na promosyon para sa maliliit at katamtamang-laking negosyo (SMEs) na itinuturing niyang haligi ng ekonomiya dahil sa kakayahan nitong lumikha ng trabaho at magtaguyod ng kaunlaran.
Kabilang sa mga dumalo sa dayalogo nitong Linggo ay sina Misamis Oriental First District Representative Christian Unabia, Mayor Jessa Mugot ng Gitagum, Mayor Joshua Unabia ng Balingasag, Mayor Mercy Grace Acain ng Initao, Mayor Sonny Tan ng Salay, Mayor Dennis Roa ng Naawan, Mayor Bing Dumadag ng Villanueva, Mayor Reynante Salvaleon ng Claveria, Mayor Rico Taray ng Talisayan, Mayor Dann Isaiah Lusterio ng Binuangan, Mayor Charlie Buhisan ng Magsaysay, Mayor Ryan Pabellan ng Kinoguitan, at Rep. Jack Puertas ng Lagonglong.
“Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong mga adbokasiya sa akin. Hindi ko po makakalimutan ‘yan. At masasabi kong buhay na buhay ang mga adbokasiya ng aming pamilya. Makaaasa po kayo na hindi namin kayo malilimutan. Saan man ako mapunta, babalik at babalik ako sa Misamis Oriental,” saad ni Villar. RNT