Manila, Philippines- Habang hindi pa pumapasok ulit sa isang relasyon si Daniel Padilla, ang hit teleserye na Incognito muna ang isa sa nagpapasaya sa kanya ngayon.
Isa siya sa mga bida rito.
Sabi ni Daniel sa interview sa kanya ng Esquire magazine, “Enjoy ako dahil I love what I’m doing now. Breath of fresh air talaga itong ginagawa kong ‘Incognito’.
“Before doing this, I was parang… nawalan na rin ako ng gana, eh.
“Lahat naman tayo sa trabaho natin, ‘di ba? We… burn out.
“Because of, you know, ulit-ulit. ‘Yan lang lagi ginagawa mo,” sey ni Daniel.
Dito sa ‘Incognito’ na una niyang action serye, ginagampanan niya ang character ni Andres Malvar na isang dating scout ranger na dalubhasa sa CQC (Close Quarters Combat) at anti-guerilla warfare na tinanggal sa military service dahil sa kasong homicide case.
Dagdag pa ni Daniel, “Sarap ng ginagawa ko ito. Kaya after this, parang ang dami kong ideas sa mga next ko namang gagawin.”
Nakakatulong din daw sa kanya na umiwas sa ingay ng social media at ang mamundok sa Tanay, Rizal.
“Namumundok kami doon. Iba sa realidad natin,” sey niya.
Ine-enjoy nga niya ang katahimikan ng nature kaya plano niyang magkaroon ng quiet at incognito life.
“Bumalik sa nature kung saan simple ang mga bagay. Katahimikan, oras sa pamilya, para magdasal, oras para maglaro.
“Gusto ko lang mag-farm, may mga hayop na inaalagaan, may open space, maraming halaman, sariwang hangin,” aniya pa.
Enjoy rin daw siya sa pagiging ‘cool tito’ kay baby Claudio, na anak ng kanyang younger brother na si JC Padilla.
“’Yung bahay namin nag-iba kasi may baby na.
“Ngayon ko lang nakita ‘yung effect ng baby, lalo na sa mom ko. Jusko po, hindi na umaalis, hirap na hirap umalis, ayaw iwanan si Claudio!”
Dahil sa na-enjoy niya ang pagkakaroon ng baby ay dito na niya inamin na gusto na niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya.
“Wala na akong ibang pupuntahan pa. Gusto ko na rin buksan ‘yung chapter na ‘yon dahil minsan hinahanap na rin ang laman ko.
“Eventually, I am looking forward to having a family, ano pa ba ang gagawin ko, andun na ako sa boundary?
“So pukpok muna sa trabaho, then eventually start a family.
“Wala na akong ibang pupuntahan. Most of my friends have families, nakikita ko na din magkakalaro na ang mga anak nila.” Rommel Placente