MANILA, Philippines – Arestado ang isang 62-anyos na lalaki sa Initao, Misamis Oriental noong Abril 30 matapos umanong patayin ang isang 17-anyos na babae sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang mabahang lugar sa Sitio Mambato noong Abril 29 na may sugat sa leeg dulot ng taga.
Ayon sa mga saksi, nakita nilang tumakas ang suspek na may dalang duguang bolo, at sinabi pa umano nito na “kerida” niya ang biktima.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT