MANILA, Philippines – Tatlong katao, kabilang ang isang menor de edad, ang naaresto sa Pasay City noong Abril 30 matapos maaktuhang nagbebenta ng vape na may langis ng marijuana sa isang buy-bust operation sa bahagi ng Roxas Boulevard.
Nasamsam ng PNP-Drug Enforcement Group ang vape na nagkakahalaga ng ₱138,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ang mga suspek at kakasuhan ng paglabag sa batas kontra droga. RNT