Home NATIONWIDE Mga beterano at baguhang party-list nanguna sa Tangere pre-election survey

Mga beterano at baguhang party-list nanguna sa Tangere pre-election survey

Maynila, Pilipinas — Sa pinakabagong Pre-Election Party-List Preferential Survey ng Tangere para sa halalan ngayong 2025, lumilitaw na mahigpit ang labanan sa pagitan ng mga beteranong party-list at mga bagong sumabak sa politika.

Nangunguna sa survey ang Tingog Party-List na may 5.75% na boto, kasunod ang Ako Bicol na may 5.50%. Parehong inaasahang makakakuha ng tig-dalawang (2) puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, dahil sa malakas na suporta mula sa kani-kanilang rehiyon—Visayas para sa Tingog at Bicol (lalo na sa Albay at Camarines Sur) para sa Ako Bicol.

Narito ang ilan pang party-list na mataas ang ranggo:

4Ps Party-List – Pangatlo sa kabuuan na may 5.00%

ACT-CIS – Pang-apat na may 4.83%

Duterte Youth – Panglima na may 4.75%

Samantala, malakas din ang naging pasok ng mga bagong party-list sa survey:

FPJ Panday Bayanihan (FPJPB) ang nanguna sa mga baguhan at pumuwesto bilang ika-6 na may 3.83%

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) na pinamumunuan ni Dr. Jose Goitia – Ika-10 na may 2.50%

United Senior Citizens Party-List – Ika-12 na may 2.25%

Tulfo para sa Turismo (Turismo) – Ika-18 na may 1.75%

Abante Bisdak – Ika-19 na may 1.71%

Angkasangga Party-List – Ika-20 na may 1.52%

Ang iba pang party-list na kabilang sa top 10 ay pawang mga incumbent o kasalukuyang nakaupo:

Agimat – Ika-7 na may 3.71%

Alona – Ika-8 na may 2.92%

1Pacman – Ika-9 na may 2.83%

Ipinapakita ng mga resulta na bukas ang mga botante sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga bagong mukha, habang nananatili pa rin ang tiwala sa ilang matagal nang kinatawan.

Isinagawa ang survey gamit ang mobile application ng Tangere sa 2,400 respondents sa buong bansa, gamit ang Stratified Random Sampling (Quota-Based Sampling). Ito ay may ±1.96% margin of error sa 95% confidence level. Ang distribusyon ng mga kalahok ay 12% mula sa NCR, 23% mula sa Hilagang Luzon, 22% mula sa Katimugang Luzon, 20% mula sa Visayas, at 23% mula sa Mindanao

Ang Tangere ay isang kilalang kumpanya sa makabago at makateknolohiyang pagkalap ng opinyon ng publiko, at miyembro ng MORES, ESOMAR, at PANA, at rehistrado sa COMELEC. RNT