Home METRO Lolo himas-rehas sa pagdalirot sa sariling apo

Lolo himas-rehas sa pagdalirot sa sariling apo

NUEVA VIZCAYA – Himas rehas ngayon ang isang lolo sa ilang taong pagtatago sa batas matapos umanong gahasahin ang kanyang sariling apo sa Aritao, Nueva Vizcaya

Sa ipinarating na ulat kay PBGen. Christopher Birung, Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02, isang 60 anyos na Lolo ang akusado, may asawa, magsasaka at residente ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hukom Eric Docyagan Banasan ng RTC Branch 37, Bayombong, Nueva Vizcaya ay nahaharap sa 2 Counts ng Statutory Rape ang Lolo na umanoy dalawang beses ginahasa ang menor de edad na biktima.

Wala namang inirekomendang piyansa ang Hukom para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na posibleng maharap sa habang buhay na pagkakakulong

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco