Home METRO Napulot na P.5M ibinalik ng tapat na NAIA porter sa may-ari

Napulot na P.5M ibinalik ng tapat na NAIA porter sa may-ari

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit kalahating milyong piso (USD10,000) ang itinurn-over ng isang porter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang makita niya ito sa Terminal 1 arrival extension sa Parañaque City nitong weekend.

Sa isang pahayag noong Martes, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ibinigay ni porter Victor Perez ang pera sa lost and found section.

Nabatid na natagpuan ni Perez ang naka-bundle na 100 piraso ng USD100 na perang papel sa sahig habang kinukuha niya ang mga pushcart.

Kinagabihan, isang Korean national ang nag-claim ng pera, na sinabi niyang nahulog mula sa kanyang bulsa habang siya ay pababa sa rampa.

Sinabi ng MIAA na kinumpirma ng security camera footage na ang Korean national ang may-ari ng nasbaing malaking halaga ng pera.

Kinabukasan ay isinoli ng isang security guard ng Terminal 3 ang nawalang gamit at malaking halaga ng pera sa nasabing dayuhan.

Ang bag na natagpuan sa Terminal 3 Bay 7 ay naglalaman ng isang gintong kuwintas, laptop, at smartphone, na nabawi na ng may-ari noong Martes. Jay Reyes