Home METRO Lolo kinatay ng adik na apo

Lolo kinatay ng adik na apo

ARGAO, Cebu – PATAY ang 82-anyos na lolo matapos pagsasaksakin ng apo na lango sa iligal na droga nitong Linggo, Abril 14 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Sancho Mier Lovitos, habang nadakip ang suspek at apo nitong si Wildren Fajardo Lovitos, 37-anyos at kapwa residente ng Sitio Alang-alang, Brgy. Bogo, Argao.

Batay sa report ng Argao Municipal Police Station, bandang 3:40 AM nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang biktima sa kanyang silid ng bigla na lamang siyang pasukin ng suspek at pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas.

Dinala naman sa Bogo, Argao District Hospital ang biktima subalit hindi na rin ito umabot pang buhay.

Makalipas ang ilang oras nadakip din ng mga pulis ang suspek at dinala sa Argao City Police station na nahaharap sa kasong parricide.

Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing bago niya pinatay ang lolo ay suminghot muna ito ng shabu. Mary Anne Sapico