MANILA, Philippines- Isang 73-anyos na lolo ang namatay makaraang mabangga ng isang estudyanteng driver habang tumatawid sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy Bucal, Maragondon, Cavite.
Ayon sa report, nadala pa sa ospital ang biktimng si alyas Catalino, 73 ng Brgy Bucal 4B, Rosario, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-3:40 ng madaling araw kung saan minamaneho ng suspek na si alyas Jedrick, 20, isang estudyante, ang isang Toyota Vios na may plakang NGT 5244 habang binabagtas ang kahabaan ng Bypass Road ng nasabing lugar, nang nabangga nito ang biktima habang tumatawid.
Hindi naman nagsampa ng reklamo ang kaanak ng biktima matapos magkaareglo at babayaran na lang ng suspek ang mga nagastos sa ospital at pagpapaburol sa biktima. MARGIE BAUTISTA