PANGASINAN-Nasa ospital ngayon ang isang 83-anyos na lalaki matapos na tagain ng kanyang kapitbahay sa bayan ng Alcala ng lalawigang ito kagabi, Setyembre 16.
Base sa ulat na ipinadala sa Police Regional Office (PRO), ang 41-anyos na suspek, may asawa, kapitbahay ng biktima ay lasing at inaakusahan nito ang biktima na siya ang nagnanakaw ng kanyang mga manok.
Pagkatapos nito ay pumasok ang suspek sa bakuran ng biktima at bigla nitong tinaga ang biktima.
Ang biktima na nagtamo ng hiwa sa kanyang kaliwang balikat ay isinugod sa Bayambang District Hospital sa Bayambang, Pangasinan.
Inaresto naman ng mga rumespondeng personnel ng Alcala MPS ang suspek. Rolando S. Gamoso