LAPU-LAPU CITY- Nalitson ng buhay ang isang 80-anyos na lola matapos tupukin ng apoy ang tinitirhang bahay kahapon ng hapon, Setyembre 16 sa lungsod na ito.
Ayon kay FO3 Jopet Obeña, imbestigador ng Lapu-Lapu City Fire Central District, bandang 2:56 PM natanggap nila ang alarma hinggil sa nasusunog na bahay sa Purok Balanghoy, Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City.
Kwento ng anak ng biktima na si Marlyn Macachor, umalis siya ng bahay para bumili ng pagkain at iniwan ang paralisadong ina.
Subalit, pagbalik niya naabutan na lamang niya abo ang bahay at sunog na bangkay ng kanyang ina.
Inaalam na ng awtoridad ang sanhi ng sunog na idineklarang fire out dakong 3:15PM.
Tinatayang umabot sa halagang P720,000 ang halaga ng mga ari-arian nasunog. Mary Anne Sapico