Home NATIONWIDE 9 lugar sa VisMin, binalaan sa red tide

9 lugar sa VisMin, binalaan sa red tide

MANILA, Philippines – Nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na sobra sa regulatory limit ang ilang coastal areas sa Visayas at Mindanao, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa shellfish bulletin na may petsang Setyembre 16, sinabi ng BFAR na hindi ligtas ang lahat ng uri ng lamang dagat at alamang na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar:

Coastal waters ng Zumarraga Island sa Samar,
Coastal waters ng Daram Island,
Carigara Bay sa Leyte,
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur,
Coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province,
Cambatutay Bay sa Samar,
Irong-Irong Bay sa Samar,
Maqueda Bay sa Samar
Matarinao Bay sa Eastern Samar

Ayon sa BFAR, tanging ang mga isda, pusit, hipon at alimango ang ligtas na kainin mula sa mga nabanggit na lugar bagama’t kailangan pa ring linisin bago lutuin. RNT/JGC