Home METRO Lolo timbog sa panggagahasa sa 2 apong menor

Lolo timbog sa panggagahasa sa 2 apong menor

186
0

PANGASINAN – Timbog ang 55-anyos na lalaki matapos ang ilang taong pagtatago dahil sa paulit-ulit na panggagahasa umano sa dalawang menor de edad niyang apo sa Marikina.

Base sa pulisya, sumasalisi ang suspek kapag maiiwan sa bahay ang dalawang biktima na edad 14 at 11 noong mga panahon na iyon, habang nagtatrabaho ang kanilang mga magulang

Dagdag pa ni Police Marikina City Police Chief Colonel Jenny Tecson na nangyari ang pang-aabuso bandang Agosto 2023 hanggang Hunyo 2024.

Ani Tecson, nalaman ang krimen nang magsabi ang mga biktima sa kanilang guro na siya namang nagbigay alam sa mga magulang ng magkapatid.

“Nung nai-file na po yung kaso ay nawala na rin bigla yung kaanak nila dito na may kagagawan po sa kanila at ito ay napag alaman natin na nagtago ng matagal sa pangasinan,” dagdag ni Tecson.

Nitong Marso 7, naaresto ng Marikina Police ang akusado sa Bani, Pangasinan na mariin namang itinanggi ang krimen. Nahaharap sa 14 counts of qualified rape ang akusado na nakakulong sa Marikina city police custodial facility.

“Hindi ko magagawa po kasi yung bahay po talaga namin, napakaliit lang, magkakasama po kaming lahat,” aniya at itinuro pa ang pamangkin ng asawa raw niya ang nanggahasa sa mga biktima.

“Sila yung lagi pong magkakasama. Pagka sa gabi po, magkatabi po silang natutulog. Inosente po ako,” aniya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here