Home METRO Lolong bumili ng kape, pagkakapehan

Lolong bumili ng kape, pagkakapehan

MANILA, Philippines – Hindi na nakauwi ang isang 69-anyos na lolong bumili lamang ng kape makaraang mabundol, takasan at tuluyang mapatay ng isang rider sa Navotas.

Kisay agad si Edwin Esquilla, tubong Lucena, Quezon, na bumagok ang ulo matapos tumilapon makaraang mahagip ng motorsiklong Mio 125 dakong 5:30 am ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay sa Road 10, North Bay Boulevard South Proper.

Tumalilis naman ang rider bagama’t gumegewang ang takbo bunga ng pinsala sa pagkakabundol sa matanda.

Kinokolekta ng pulisya ang side mirror at mga natanggal pang parte ng motorsiklo na naiwan sa lugar.

Tanaw na tanaw umano ng isang kalugar si Esquilla na naglalakad sa Road-10 at nang kanyang lalapitan matapos maaksidente, pilit na pinatakbo ng suspek ang nasira niyang motorsiklo sa halip na tulungan ang biktima.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang rider. Merly Iral

Previous articleCarla, handang makipagkita kay Tom!
Next articlePROSTITUSYON SA ‘MARINE ONE’ NG CALOOCAN