Home OPINION PROSTITUSYON SA ‘MARINE ONE’ NG CALOOCAN

PROSTITUSYON SA ‘MARINE ONE’ NG CALOOCAN

NAPAKATALAMAK na ang labanan sa kasalukuyan ng mga putahan at sugalan sa online.

Lantaran at hayagan na kasi’y mayroon pa silang adverstising na ginagawa sa iba’t ibang plataporma.

Gaya na lang nitong bagong bukas na putahan dyan sa Caloocan City. Matatagpuan ito sa 6th Floor ng Nice Hotel o sa 1798 Mc Arthur Highway Caloocan City.

Gumawa pa talaga ito ng Facebook page para ikalat sa buong mundo na may bagong putahan sa Caloocan.

Ito ay itinago sa pangalang MARINE ONE BAR AND SPA at siyempre itinago rin ang pangalan nu’ng kasosyo na taga-Caloocan City Hall. (Hindi siya matangkad).

Grabe kamura ng laman ng mga neneng dito. Aba’y P1,200 kapag promo hour at kapag nag-extra service o “tsuktsakan” na, room rate rin ang bayad na P1,200 din.

Kapag regular na oras ang dating mo, P1,500 naman ang babayaran at siyempre sa extra service ay dagdag ka rin ng P1,500 para sa happy ending.

Hindi po tulad ng mga “SPAKOL” itong MARINE ONE. Ang “SPAKOL” kasi ay halos tanggap na ngayon sa ating lipunan dahil lantaran din ang paglalako nito gaya ng ginagawa ng Spada Spa na kung tawagin ay Lingam.

Kunwari ay masahe raw sa prostate ang Lingam pero ang totoo, mas kilala ito sa tawag na sensation o kung tawagin sa Tagalog ay “mariang palad” na sa kasalukuyan ay tinatawag ding “happy ending”.

Pero sa MARINE ONE BAR AND SPA, hindi lang happy ending ang kauuwian mo. Siguradong very very happy ending ka, pero paglipas ng ilang araw, hindi ko lang tiyak kung magiging happy ka pa rin kapag nahawa ka sa sakit ng mga babae roon.

Sa ating mga readers “SPANTOT” po ang ginagawa sa MARINE ONE na protektado umano ng City Hall ng Caloocan.
Ito ay pag aari ng mga Chinese na bumibiktima sa mga mahihirap nating kababayang kababaihan na sisilawin nila sa malaking halaga ng salapi para lang ibenta ang kanilang laman.

Susmaryosep!

Ang layo ba ng PNP, NCRPO lalo na ang Northern Police District sa Caloocan kaya hindi nila alam ang nangyayaring putahan d’yan sa MARINE ONE?

Sa susunod ay ilalabas natin ang iba pang hiwaga sa loob ng MARINE ONE para malaman ng ating pulisya na tutulog-tulog sila sa pansitan.

Previous articleLolong bumili ng kape, pagkakapehan
Next articleFocus crime rate bumaba ng 28% nitong Enero