Home NATIONWIDE Lolong NPA boluntaryong sumuko sa Nueva Vizcaya

Lolong NPA boluntaryong sumuko sa Nueva Vizcaya

257
0

VILLAVERDE, Nueva Vizcaya – Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang isang 71-anyos na lolo na dating kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Villaverde, Nueva Vizcaya.

Sa pinaigting na operasyon ni PCol. Jectopher Haloc, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ang sumuko na si alyas ‘Lando’, isang magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Isinalaysay ni Ka Lando na taong 1983 nang siya’y marekrut nina alyas “Ka Mila” at “Ka Kristine” mula sa Kilusang Larangan Guerilla (KLG) sa Nueva Vizcaya.

Sumailalim umano siya sa combat training, first aid at acupuncture techniques hanggang sa naging ganap nang kasapi ng kilusan.

Taong 1985 nang siya’y maglie-low sa kanilang grupo at napagdesisyunang mamuhay na lang bilang gardenero at magsasaka.

Ayon kay PCol. Haloc, sa tulong ng kanyang kapulisan at 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company at Villaverde Police Station, naisipan ni Ka Lando na opisyal nang sumuko at tuluyang lisanin ang makakaliwang grupo.

Kasalukuyan ngayon sumasailalim sa dokumentasyon at custodial debriefing si Ka Lando para sa kanyang pagbabalik sa pamahalaan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here