Home METRO Lolong tsuper ng taxi na-heatstroke bumangga sa poste!

Lolong tsuper ng taxi na-heatstroke bumangga sa poste!

136
0

MANILA, Philippines – Sumampa sa gutter at bumangga sa street light ang isang taxi makaraang mawalan ng malay ang isang senior citizen na taxi driver Martes ng tanghaling tapat.

Sa panayam sa drayber na si tatay Efren, 70 anyos ng Sampaloc, bigla siyang nawalan ng malay dahil sa sobrang init ng panahon.

Nang mag-black-out ay sumampa ang kanyang taxi sa gutter at bumangga sa street light sa kahabaan ng UN Avenue partikular sa harap ng PPL building ganap na alas 12 ng tanghali.

Nang dumating ang ambulansya, bigla naman itong sumuka ng dugo at lumupaypay kaya pinapalagay na siya ay na-heat stroke dahil ayon sa kanyang anak may history na ito ng stroke.

Dinala ang taxi driver sa PSG Hospital at patuloy na inoobserbahan.

Nito lamang Sabado ng hapon, isa ring driver ng truck ang patay nang bumangga sa tapat ng Manila Medical City na matatagpuan din sa UN Avenue matapos siyang ma stroke dahil din sa tindi ng init ng panahon ngayon bunsod ng climate change. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here