Home METRO Kadiwa store sa Maynila dinumog

Kadiwa store sa Maynila dinumog

DINUMOG ng mga empleyado ng Manila City Hall ang Kadiwa Store upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapamili ng mga murang halaga tulad ng gulay, prutas, bigas at iba pang klase ng pagkain.

Binuksan ang Kadiwa Store na matatagpuan sa “inner court” ng Manila City Hall na tatagal ng tatlong araw kung saan sinimulan itong buksan nitong Lunes, Abril 15.

Nabatid kay Atty. Princess Abante, Manila Public Information Office Chief, na binuksan ang nasabing Kadiwa store sa pakikipagtulungan ng department of Agriculture.

Makakapamili ang mga empleyado ng cityhall sa nasabing pamilihan sa murang presyo kung saan nasa P39 per kilo lamang ang murang bigas ngunit maaari lamang sila makapamili nang hanggang 5 kilo lamang.

Dahil dito, mas makamumura umano ang mga mamimili partikular na ang mga sapat lamang ang kinikita na empleyado na makapamili ng mas murang halaga ng mga pagkain na kanilang maihahain sa kanilang pamilya kumpara sa ilang mga pamilihan. Jay Reyes