Home ENTERTAINMENT lon, aatras na sa pagkandidato?

lon, aatras na sa pagkandidato?

106
0

Manila, Philippines – Cryptic post over black background.

Ito ang nakakaintrigang post ng partner ni Vice Ganda na si lon Perez sa kanyang social media account.

The It’s Showtime host’s post reads: “Salamat sa sign, Lord. Alam ko na mas makabubuti itong desison ko para sa sarili ko!”

Dinagsa naman ‘yon ng mga comments mula sa mga netizens.

Lahat sila’y nagkakaisa ang tanong–iatras na nga ba ni lon ang kanyang kandidatura bilang Konsehal sa Concepcion, Tarlac?

Matatandaang isa si lon sa mga unang nag-file ng kanyang CoC para sa nasabing elective post noong October 1, unang araw ng filing.

Sa tono kasi ng pananalita ni lon ay may pahiwatig itong magba-back out siya.

Diskusyon nga ni Ogie Diaz at ng kanyang mga kasama sa kanilang online program, nakadagdag pa sa ispekulasyon ang napipintong pag-atras ni lon sa kulay ng background na ginamit nito.

Ang “black” daw kasi ay malungkot na kulay.

Kung masaya kasi ang post ni lon, maanong matingkad na kulay o happy color ang ginamit niyang background sa post.

May kinalaman kaya ito sa pagiging hati ng oras ni Vice Ganda na nabalitang nakasuporta sa isang partylist na kinabibilangan ng taga-LGBTQIA+ community?

O napagtanto mismo ni lon na kallangan niya munang mag-aral ng tungkol sa public governance bago tumakbo sa pulitika?

Bukas ang Remate Online sa panig ni lon Perez. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here