Home NATIONWIDE Long March 8A rocket launch ng Tsina kasado sa Pebrero – OCD

Long March 8A rocket launch ng Tsina kasado sa Pebrero – OCD

MANILA, Philippines- Inilipat ang paglunsad sa Long March 8A rocket ng China sa Pebrero, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sa abiso nitong Sabado, sinabi ng OCD na magpapalabas ang Philippine Space Agency (PhilSA) ng panibagong anunsyo kapag nakumpirma na ang bagong petsa.

Inisyal na itinakda ang paglunsad sa Long March 8A rocket noong Sabado, alas-5:53 ng hapon at alas-6:42 ng hapon, mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan Province.

Bilang paghahanda rito, pansamantalang ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang fishing activities sa Rozul Reef at sa katubigan ng Puerto Princesa, Palawan, mula alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi ng January 25–27 dahil sa panganib ng bumabagsak na rocket debris.

Natukoy ang tatlong potential rocket debris drop zones. Nagpalabas din ang OCD ng memorandum na nag-uutos sa kaukulang mga ahensya na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa apektadong coastal areas. RNT/SA