
ANG desisyon nang dalawang mag-asawa kung ipagpatuloy pa ba ang kanilang relasyon o hindi ay nakasalalay sa babae kung nalaman niya na ang kanyang asawa ay may ibang kinalolokohang babae.
Ang mahalaga ay huwag magmadali, huwag magpadala sa emosyon, at laging piliin ang makabubuti sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Ang hindi pagpapansin ay isang pansamantalang hakbang na nagbibigay-raan upang makita ang tunay na estado ng relasyon at matukoy ang susunod na tamang hakbang.
Ang hindi pagpapansin ay maaaring maging hakbang sa paghahanda para sa mas malaking desisyon, tulad ng paghihiwalay o pagsasaayos ng relasyon. Kapag ang babae ay nagtuon sa kanyang sarili, mas nagiging handa siya sa anomang resulta ng sitwasyon. Ang layunin nito ay hindi lamang magparaya, kundi upang makita ang mas malawak na larawan at maihanda ang sarili para sa mas maayos na kinabukasan.
Sa kabila ng sakit na dulot ng pagtataksil, ang hindi pagpapansin ay isang paraan upang maiwasan ang patuloy na pagdududa at sama ng loob.
Ang pagkakaroon ng kapayapaan sa sarili ay mahalaga upang magpatuloy sa buhay na malaya mula sa bigat ng nakaraan.
Kung may mga anak sa pamilya, mahalagang isaalang-alang ang kanilang kalagayan. Ang mga sigalot sa relasyon ng magulang ay maaaring makaapekto sa emosyonal na kalagayan ng mga bata. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalmado at dignidad, nagiging magandang halimbawa ang ina sa kanyang mga anak kung paano harapin ang mga hamon ng buhay.
Ang hindi pagpapansin ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng permiso sa pagtataksil, kundi isang paraan ng pagsusuri kung karapat-dapat pa bang bigyan ng pagkakataon ang relasyon. Ito rin ay isang paraan upang matukoy kung ang lalaki ay handang magbago o kung panahon na upang magpatuloy sa magkaibang landas.
Sa bawat laban, hindi kailangang gumamit ng lakas o galit. Minsan, ang tahimik na pagtugon ang pinakamatibay na paraan upang ipakita ang lakas ng isang babae.
Ang maipapayo ng inyong Agarang Serbisyo Lady sa asawang babae, alamin muna sa Philippine Statistic Authority (PSA) kung ikaw ang unang pinakasalan ng inyong asawa. Dito sa Pilipinas, kapag namatay ang inyong asawa, sa legal wife mapupunta ang kanyang ari-arian, tulad ng kanilang bahay, pera pati na rin ang kanyang pension sa Social Security System (SSS).
Kung ayaw sa iyo ang inyong asawa, hayaan mo siya sa kanyang kinalolokohang babae. Huwag na huwag ka mag-file o mag-sign ng Annulment papers. Gamitin ang utak at hindi ang puso mo. Wala na magagawa ang common law wife kung namatay na ang asawa ninyo.