Home HOME BANNER STORY Lotto bettor 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng 1 buwan...

Lotto bettor 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng 1 buwan – Tulfo

MANILA, Philippines- Ibinulgar ng isang senador sa Senado na may isang pangalan ng mananaya sa lotto ang nagwagi nang 20 beses sa loob ng isang buwan, base sa listahan mismo na isinumite ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“‘Yung PCSO nagbigay ho sa akin ng listahan…Ito nga po ang sabi ko medyo nakakataas ng kilay, meron doon na isang tao nanalo ng 20 times in one month. Meron dun 10 times in one month,” ayon kay Tulfo sa isang panayam.

“Siguro baka magkapangalan pero still pare-pareho ‘yung premyo ang pinanalunan…Paulit-ulit in one month… Lalong tumambak ang mga questions,” dagdag niya.

Pinapangunahan ni Tulfo ang imbestigasyon sa integridad ng PCSO games. Bukod sa listahan ng winners, nagsumite rin ang PCSO sa Senate panel ng dokumento sa lotto games kabilang ang tax records ng jackpot winners.

“Bakit tuwing draw, may nananalo na? Ngayon, walang mintis. Samantalang nu’ng panahon na wala pa tong e-lotto, ang tagal bago panalunan. Inaabot ng isang buwan, dalawang buwan,” giit ni Tulfo.

Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni PCSO General Manager Mel Robles na kanilang iimbestigahan ang obserbasyon na ibinulgar ni Tulfo.

“I wouldn’t know [that]. Ako, personally, hindi ko po tintingnan ‘yon. Pero I’ll check, I’ll look into that kung meron pong ganon, kasi hindi naman po kami tumitingin na n’yan after namin maibigay e,” ayon kay Robles.

“Puwede imbestigahan ‘yan. ‘Di naman mahirap imbestigahan ‘yan e,” dagdag niya.

Patuloy na pinabubulaanan ni Robles na nagkakaroon ng manipulasyon sa resulta ng lotto games sa gitna ng alegasyon at kuwestiyon ng senador hinggil sa madalas may manalo sa lotto games.

“We would like to assure you that you can never, never manipulate it. Kaya nga allowed kami mag-bet, Mr. Chair. Even I can bet because it’s beyond me. Even if we wanted to, with the system we have, we cannot,” ayon kay Robles sa nakaraang Senate hearing.

“I take exception na kayang panalunin. Definitely, madami pong tataya kung malaki ang jackpot. ‘Yun po naman ang objective namin– to really bring in bettors,” dagdag niya. Ernie Reyes

Previous articleAiko at Candy, nagbati nang di in-announce!
Next articleMuslim Women binati ni Sen. Tolentino