Home ENTERTAINMENT Aiko at Candy, nagbati nang di in-announce!

Aiko at Candy, nagbati nang di in-announce!

Manila, Philippines – At first glance, pagtatakhan kung bakit hindi kasama si Aiko Melendez sa isang Viva offering.

Ito ‘yung Road Trip na pinagsasamahan ng real-life 80s-90s friends na sina Janie at Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Carmina Villaruel.

Noticeably, Aiko is not part of the cast.

The obvious truth ay dahil may namamagitang Candy.

Rumors have it na personal in nature ang dahilan ng falling out ng magkaibigan.

Pero ikinagulat na lang ng lahat when Aiko took to her social media account ang pagbati niya sa kanyang mga “mars.”

Sa post na ring ‘yon isiniwalat ng konsehala ng Quezon City na matagal na raw pala silang nagkabati ni Candy.

Sinadya raw ni Aiko na hindi na gawing big deal ang kanilang pag-aayos, at ganoon din daw sa kaso ni Candy.

“I purposely did not explain or expound on it,” pag-amin ni Aiko.

In truth daw, hindi niya maaaring iligwak si Candy sa tagal at lalim ng kanilang pinagsamahan.

All that Aiko daw has for Candy is love and respect.

Positibo namang tumugon si Candy sa post ni Aiko on their rekindled friendship. Ronnie Carrasco III

Previous articleDFA: Maritime-related proposals ng Tsina ‘di inisnab; taliwas sa PH interests
Next articleLotto bettor 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng 1 buwan – Tulfo